Nakita na ang koneksyon sa pagitan ng mga tinutugis na fugitives at ng kumpanyang nakakontrata para sa PPEs!
Natagpuan ni Senator Risa Hontiveros ang koneksyon sa pagitan ng ilang personalidad na ‘shady’ at ng kompanyang nabigyan ng PHP 8.6B na kontrata bilang taga-suplay ng PPE.
Ang kompanya na nasa gitna ng kanilang imbestigasyon ay ang Pharmally Pharmaceutical Corporation, na nauna nang itinuturo ng senado na kwestiyonable dahil sa overpriced medical supplies nila.
Naitanong ni Hontiveros, “Why is this government transacting with fugitives?
Bakit tayo nakikipagnegosyo sa mga taong may warrant of arrest pa nga sa ibang bansa?”
Nauna na ring naituro ni Hontiveros ang posibleng koneksyon ng Pharmally Pharmaceutical Corporation sa Pharmally International Holdings – na mayroong wanted na chairman na si Huang Wen Lie para sa alleged securities fraud, stock manipulation, at embezzlement.
Naitanong niya pa, “Bakit hindi man lang ito naamoy man lang ng ating mga otoridad? Publicly available ang mga impormasyong ito.”