Nakipaghiwalay ang asawang OFW kaya ang galit, binunton sa mga anak na kasama sa bahay!

Nang pinasok ng mga pulis ang pamamahay ng suspek, duguan at wala nang buhay ang mga batang anak ng suspek.

Sa Brgy. Western Poblacion ng Baras, Catanduanes nangyari ang brutal na krimen, at ang ama ng mga biktima ang tinuturong responsable sa kamatayan nila.

Ani ni Police Capt. Mark Barlis, ang chief ng Baras Municipal Police Station, “Multiple stab wounds ang sinapit ng mga bata.”

Nabaril umano ang suspek sa hita dahil nang dumating ang mga rumespondeng pulis, inatake niya ang mga ito ng kutsilyo.

Sinugod sa ospital ang suspek at ang mga anak na nasa edad 8 at 9, ngunit nadeklarang dead on arrival ang mga ito.

Nalaman nila Barlis na pinagsasaksak niya ang mga anak dahil sa sobrang galit sa asawang OFW na nakipaghiwalay sa kanya.

Ang nakakagulat pa, ang OFW mismo ang nagtawag sa pukisya matapos ipakita ng suspek sa videocall nila ang gagawing paglalaslas nito.

Double parricide ang haharapin ng suspek na kasalukuyang ginagamot pa sa ospital.

Leave a Reply

Your email address will not be published.