Nakikita ni Pasig Mayor Vico Sotto na may pag-asa sa laban ng Pilipinas kontra korapsyon
Sa isang tweet ng netizen na si Roland Reyes (Twitter Handle: @rolandreyes8) naipamalas ng Pasig Mayor Vico Sotto kung paanong siya ay nararapat mabigyan ng pangaral na naipataw sa kanya galing sa US Department of State bilang isa sa 12 International Anticorruption Champions.
Ani ni Reyes sa kanya, “Di ka pinanganak iho, iyan na ang problema sa Pilipinas!”
Bilang tugon dito, nagreply din si Mayor Vico gamit ang kanyang Twitter account (Twitter Handle: @VicoSotto) ng, “Pati naman po kayo, di pa po kayo pinapanganak, iyan na ang problema sa Pilipinas.
Our problems have been ingrained in our government and culture for hundreds of years.
Ngunit kung lalabanan natin, darating ang pagbabago, kahit paunti-unti.”
Kinilala ng US Department of State si Mayor Vico bilang ‘standard-bearer for a new generation of Philippine politicians who prioritize anticorruption and transparency initiatives in their election campaigns and in office.’
Idinagdag nila, “Sotto has sought to solidify his reputation as a fresh voice with a new, more transparent approach to governance.”