Nakausap umano ng isang psychic ang kaluluwa ni Christine Dacera, at marami itong pasabog!

Ang kaso ni Christine Dacera na nasarado na at may final result nang resulta, na natagpuang siya ay namatay due to natural causes, ay hindi tinantanan ng pamilya niya na ngayon ay komunsulta umano sa isang ‘psychic’ upang matukoy ang dahilan sa likod ng pagkamatay nito.

Ayon sa ina nitong si Sharon Dacera, nakipag-ayos sila sa isang psychic upang makausap ang kaluluwa ni Christine at matanong sa tunay na nangyari sa kanya.

Naniniwala ng lubos ang pamilya Dacera, lalo na si Sharon, na may foul play sa likod ng kamatayan nito at hindi sila titigil hangga’t hindi lumalabas ang ‘katotohanan.’

Mayroon nang resulta ng medico-legal na nagsasabing namatay ang flight attendant dahil sa natural causes at madiing pagtanggi mula sa mga kinilalang suspek.

Ani raw ng psychic na sinabi ng kaluluwa ni Christine sa kanya na siya ay ‘betrayed by a friend.’

Kasalukuyang naghihintay ang pamilya Dacera sa resulta ng DNA test sa organs ni Christine, at sa hiwalay na imbestigasyon galing sa National Bureau of Investigation (NBI).

Leave a Reply

Your email address will not be published.