Nakasali ito sa operasyon ng PNP-PDEA Commonwealth shootout, at bakit?!

Nasali sa Commonwealth Avenue shootout sa pagitan ng mga pulis at ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency ang isang informant ng Quezon City Police District.

Nakasali sa operasyon si asset Jonaire Decena na dapat ay nakakulong dahil sa pagkakahuli nito sa isang buy-bust noong Enero.

Iniimbestigahan na umano ng National Bureau of Investigation ito. Ani ni NBI deputy director Ferdinand Lavin, We will try also to reach out to some other personalities involved but who are not free at this time to cooperate at this time.”

Si Decena pala ang naulat na nakikipag-coordinate ng transakyon sa PDEA asset na si Untong Matalnas bago ang shootout.

Ang mga cellphone ng nasangkot ay isinasailalim na sa forensic examination.

Parehong ginigiit ng QCPD at PDEA na ang mga operasyon nila’y lehitimo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.