Nakapundok sa tapat ng diagnostics laboratory sa Quezon City ang mga ni-report na mga CHinese

200 Chinese nationals ang lumabag sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Quezon City nitong Lunes.
Ani ni Task Force chief Ranulfo Ludovica, pumunta sila sa Hi-Precision Diagnostics laboratory ng Brgy. Sto. Domingo matapos ang multiple reports ng presensya ng ganoon karaming Chinese na nakalinya sa tapat ng laboratory.
Nakalinya umano ang mga ito upang makuhanan ng swab tests para sa flight pabalik sa China.
Nalaman ng polisya sa mas malalim na imbestigasyon na ang mga ito ay workers ng isang Philippine offshore gaming operating firm.
Bawat isa ay nagkaroon ng PHP 5,000 na fine sa hindi pagsunod ng social distancing protocols.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *