Nakapag-ipon, nakabili ng property, at nagpatayo ng bahay salamat sa pagma-macho dance niya!

Dulot ng economic recession na epekto ng COVID-19 pandemic, marami ang nawalan ng trabaho’t nagpursigi sa ibang pamamaraan upang kumita pa rin kahit na work from home na ang set up.

Bilang compliance sa community quarantine implementation, ilang mga dati’y bar performers ng mga nagsarang bars ay nagpe-perform from home sa harap ng isang virtual audience, at isa na rito si Evo Martin o a.k.a. “Yum Evo.”

Farmer sa araw, at proud macho dancer sa gabi.

Sa pamamagitan ng Zoom naipapakita niya sa audience ang pagsayaw niya’t ang compilation ng kinikita niya’y nakapag-ipon siya upang bumili ng lote at magpatayo ng bahay na aabot PHP 1M ang nagastos.

Ang unique WFH na trabahong ito’y nagsimula ng isang kaibigan niya’y nag-request na siya’y sumayaw online. At mula noon, ginagawa na niya ito na nagre-require ng bayad muna bago ang performance.

Maraming gaya ni ‘Yum Evo’ ang successful sa pagdadala ng performances nila online at napagkakakitaan nga naman ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *