Nakakaabot sa Bulacan, Nueva Ecija, at Zambales ang libreng medical care na nakakatulong sa mga hirap sa pera!
Sa panahon ng pandemyang sinabayan ng isang economic recession, mas naghihirap ang mga mahihirap at nagsisimula nang mapasama ang kalagayan ng mga pamilyang dati’y nakakaya naman ang araw-araw na gastusin nila. Ang perang nakukuhang regular sa mga trabaho’y napatigil na sa kabi-kabilaang pagpapatalsik ng mga empleyado ay nagdulot ng dagdag na kahirapan sa mga Filipino, na ngayo’y dagdag na pagsubok para sa mga pamilya.
Sa ngayon, ang programang Mobile Clinic ni Senator Risa Hontiveros ay tumutulong sa mga residente ng mga barangay na binibisita nila na makapag-pahatid ng libreng medical care nang walang kapalit. Malaking tulong ito para sa mga Pinoy na walang pera pambayad para sa medical help pero nangangailangan.
Nag-iikot ang mobile clinic sa iba’t ibang probinsya ng Luzon gaya ng Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Bataan, at Zambales.
Maraming mga naging pasyente ng programa ang taos-pusong nagpasalamat kay Hontiveros dahil sa laking tulong ng pagkakaroon ng libreng medical service. At kahit mga medical frontliners ay malimit na bumisita sa mobile clinic para maisagawa ang kanilang medical procedure dahil mas napapadali ito rito kung ikukumpara sa ospital na pinagtratrabahuan nila.
Libre sa mobile health clinic ang medical diagnostics at tests gaya ng X-ray, blood chem, Electrocardiogram, ultrasound atbp.