Naiwan ng service provider ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang dapat sanang itapon na pera sa dumpsite.
Malalaking plastic bags na may laman ng ginutay-gutay na pera ang natagpuan sa Roxas City sa Capiz. Marami sa mga residente ang nagulat dahil sa natagpuang basura sa bakanteng lote ng Brgy. Cagay, nitong umaga ng Miyerkules.
Nalamang na-flat ang sinasakyang truck ng contracter ng BSP na magdadala ng binasurang pera sa dumpsite. Isinantabi daw ng contracter ang mga plastic bags ng panandalian para kumpunihin sana ang truck. Dahil dito, agad namang pina-imbestigahan ng BSP Roxas ang nangyaring insidente.