Naitanong kung ano-ano ang mga rason bakit lumiban sa showbiz si Lloydie.
Ang magkaibigang si Willie Revillame at John Lloyd Cruz, na kailan lang nabalik sa showbiz, ay pumunta sa resort ni Willie sa Puerto Galera, ang ‘Wil’s Cove’ upang makapag-catch up at makilala ang bagong John Lloyd matapos ang temporary break nito.
Kasama ang ilang mga kaibigan, nagkwentuhan sila tungkol sa mga latest na kaganapan, at natuon ang atensyon ng dalawa sa pamamahinga ni John Lloyd sa showbiz noong 2018.
Sa programa ni Willie na ‘Wowowin: Tutok to Win’ nabanggit niya ang aktor. Ani ni Willie, “Actually, gusto ko lang batiin ang kaibigan nating si John Lloyd.
Natanong ko siya, ‘Bakit ka ba huminto?’”
Nagkwento naman si John Lloyd dito na ito’y nabu-burnout na. Ani daw ng aktor, “Pag-gising ko, shooting. Pagtulog ko, shooting. Pag-gising ko ulit, shooting. Ito na lang po ginagawa ko araw-araw.”
Ginusto raw ni John Lloyd bigyan ang sarili ng pagkakataon at space makapagpahinga at bigyang halaga ang sarili ulit.