Naitala nila ang unang 100+ case sa loob lamang ng isang araw!
Mayroong pagtaas ng COVID-19 cases sa Puerto Princesa City dahil umano sa pagpapaluwag ng National Government sa travel restrictions nila, ayon kay Mayor Lucilo Bayron.
Ang sikat na tourist location ng Pilipinas ay mayroon nang 533 active cases. At kailan lamang ay naireport nila ang 121 confirmed new cases nitong Linggo, una nilang report ng hihigit sa 100 cases sa isang araw.
Kahit umano ang vice mayor ng siyudad ay nag-positibo sa virus ngunit asymptomatic ito.
Ani ni Bayron, “Naglabas ang national government ng unified travel protocol na hindi na pwede mag-quarantine. I-screen na lang ang dumarating at ang mga may symptons ‘yun na lang ang iku-quarantine. Palagay ko du’n nagsimula.”
Full capacity na ang apat na ospital ng Puerto Princesa at ang LGU ay nagdadagdag lamang ng isolation facilities para ma-accommodate ang mga mayroong infections.