Nahuli ng mga mangingisda ng Sinait, Ilocos Sur ang isang lobster na aabot sa 4 na kilo!
Binahagi ng Facebook netizen na si Honeylth Rafanan ang litrato kasama ang isang lobster na mayroong bigat ng 4 na kilo.
Ani niya, ito ay nahuli noong ika-21 ng Marso ng mga mangingisda sa dagat ng Brgy. Teppeng ng Sinait, Ilocos Sur.
Idinagdag nito na ang lobster ay pinag-agawan ng mga magkakapitbahay sa kanila at na ito ay naibenta sa halagang PHP 2,000.
Idinala ito kay Ilocos Sur Provincial Fishery Officer Martin Allayban na nagsabing ang nahuling lobster ay isang ornate spiny lobster.
Ayon pa kay Allayban, “Yun ay isang edible lobster. Isa sa mga pinakamalaki at pinakamahal na lobster na mayroon dito sa Philippines.”