Nagtungo si Moreno sa Pampanga’s Best Plantation upang ipahayag ang kanyang mga plano para sa mga manggagawa.

Personal na nagtungo si Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Pampanga’s Best Plantation upang magkaroon ng pagpupulong sa mga manggagawa. Kasama sina Doc Willie, Samira Gutoc, Jopet Sison, at Carl Balita, inilatag ni Moreno ang kanyang mga plano para sa mga manggagawa.

Kasabay ng kanilang mainit na pagtanggap, malaki naman ang pasasalamat ng mga manggagawa ng Pampanga’s Best sa grupo ng Bilis Kilos sa pamumuno ni Moreno. Samantala, ipinaparating naman ni Aksyon Demokratiko senatorial bet Carl Balita na mayroong pagkakapareho ang Pampanga’s Best at Aksyon Demokratiko.

Aniya ni Balita, “Pampanga’s Best, dala po namin ang Manila’s best. Ang Pampanga’s Best ay global brand. Ang Maynila, naging global brand dahil sa kaniya (Moreno).”

Isinuguro ni Moreno na hindi sila titigil sa pagseserbisyo at paggagawa ng mga #BilisKilos na aksyon para sa mga kababayan. Ninanais niyang tulungan at paunlarin ang kalagayan ng lahat ng mga tao, kabilang na rito ang mga manggagawa. Sa kanyang pamumuno, walang sinuman ang maiiwan sapagkat sisiguraduhin niyang mapapakinggan at matututukan ang lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published.