Nagrelease lang ng PHP 888M ang DBM para sa Special Risk Allowance nila!
Kailan lang ay naglabas ng PHP 888.12M ang Department of Budget and Management bilang tugon sa kagustuhan ng palasyong mas marami pang healthcare workers (HCWs) ang mabigyan ng nararapat nilang Special Risk Allowance (SRA), ayon na rin kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.
Itinakda umano ito para mabigay ang nararapat na bayad sa mga workers na nasa frontlines kontra COVID-19 at araw-araw na nae-expose sa virus.
Pahayag ni Nograles, “There are some nurses who say they should also be included as COVID-19 continues to spread and they are now directly exposed.”
Mayroon nang aabot sa PHP 1.2B ang narelease ng DBM para sa compensation ng medical frontliners mula December 2020 hanggang June 2021.
Ani pa ni Nograles, tutukuyin umano nila ang mga hindi nakasali na beneficiary ng SRA pero qualified at ang mabigyan ng nararapat nilang compensation.