Nagpatupad si Moreno ng mga Student Allowance Programs upang masuportahan ang pag-aaral ng mga estudyanteng Manileño.
Ipinatupad ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga Student Allowance Programs para sa mga estudyanteng nag-aaral sa pampublikong paaralan sa Maynila. Ninanais niyang pamahagian ng tulong pinansiyal ang mga estudyante upang masuportahan at matugonan ang kanilang pangangailangan sa pag-aaral
Sinimulan niya ito noong Hulyo 2019, matapos niyang pirmahan ang City Ordinance na makapagbibigay ng buwanang allowance na P1,000 para sa mga kwalipikadong estudyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at Universidad de Manila (UdM). Maipagkakaloob ang pabuyang ito para sa mga estudyanteng Manileño na mayroong good academic standing.
Nakapaglaan rin si Moreno ng humigit P26 milyon na pondo para sa 3-month student aid noong Enero 2021 hanggang Marso 2021. Ipinahayag niyang 9,100 estudyante (8,295 kolehiyong estudyante at 805 SHS na estudyante) ng UdM ang sakop ng programang ito. Nakatanggap ng tig P3,000 ang mga kolehiyong estudyante habang tig P1,500 naman ang mga SHS na estudyante.
Nagpatuloy pa ito noong Abril 2021 nang aprubahan ni Moreno ang payroll para sa allowance ng mga UdM kolehiyong estudyante para sa buwan ng Abril at Mayo. Nakatamo ang 8,336 na estudyante ng tig P2,000, mula sa nilaang P16,801,000 na pondo. Nagkaroon din ng karagdagang P1,000 ang kada estudyante sa ilalim ng City of Manila’s amelioration program.
Sa kabilang dako, inaprubahan rin ni Moreno ang pagpapamahagi ng P3,000 para sa mga estudyante ng PLM sa buwan ng Abril, Mayo, at Hunyo ngayong taon, na mayroong pondo na P20,975,000.
Buong pusong ipinaparamdam ni Isko Moreno ang kanyang walang sawang pagsuporta sa mga estudyanteng Manileño. Naniniwala siyang na ang edukasyon ang makakatulong sa mga tao upang masolusyonan ang kanilang mga problema at makaahon sa buhay. Ipinaparating niya na patuloy siyang aalay sa mga estudyante nang sa gayon ay maipagpatuloy at makatapos sila sa kanilang pag-aaral.