Nagpapakain lang ng isda sa fishpond, pinagbabaril na ng hindi pa kilalang suspek!

Isang retired police ang patay matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek habang nasa farm nito sa Purok Mangga, Brgy. Bincungan, Tagum City nitong Lunes lang ng umaga.

Ang biktima, na kinilalang si Rolly Sabitsana, ay isang 60-year-old resident ng Purok Bayanihan, Brgy. Visayan Village, Tagum City. Binaril ito habang nagpapakain sa mga isda ng fishpond niya sa loob ng farm.

Dinala pa sa ospital ang biktima na natamaan sa tiyan ngunit idineklarang dead on arrival.

Nagsimula na ng imbestigasyon ang awtoridad upang matukoy ang motibo sa likod ng pamamaril at nang makilala kung sino ang salarin sa likod ng krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published.