Nagpahayag ng suporta si Senate President Sotto sa panawagan ni Sen. Imee Marcos na ibuwag ang IATF sa kawalang kwenta nito

Ipinanawagan ni Senator Imee Marcos na i-abolish na ang government task force against COVID-19 matapos ang isang taong lockdown at dumarami lamang ang bilang ng nag-positibo.
Sinuportahan siya ni Senate President Vicente Sotto III na nagsabing, “Something is wrong. Imbes na pa-subside, pababa, tumaas after 1 year.
Kung ganito din lang na hindi naha-handle nang matino, ipa-handle na sa mga doktor.”
Ang task force ay kinabibilangan ng mga dating military generals at Cabinet Secretaries na walang background sa medicine at health.
Nagiit ni Sen. Marcos na ang panel na ito ay dapat nang itiwalag dahil naglalabas lamang ito ng “confusing” na health protocols na hindi nakakapagpababa ng COVID-19 cases sa Pilipinas.
Ani pa nito, “Hilong-hilo na tayo sa kanila. For me, sobra ang kanilang utak lockdown, sobra yung arrest, sobra yung para sa mga tao. Kulang yung sa medical, sa science, sa testing.”
Sinisi rin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang IATF para sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa. Ayon sa kanya, “Maraming namamatay dahil sa incompetence.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *