Nagnakaw ng aabot sa PHP 2M na alahas at gadgets mula sa mga amo, nahuli!

Aabot sa PHP 2 milyon ang inabot ng mga ninakaw ng isang kasambahay mula sa pinagtratrabahuan sa Brgy. North Fairview, Quezon City.
Nakatakas na umano ang suspek at nahuli pa sa CCTV ng pinagtratrabahuan ang akto ng kanyang pag-alis. Bitbit nito ang mga alahas, gadgets, at perang ninakaw mula sa mga amo. Ito’y nagtratrabaho para sa kanila ng 3 buwan pa lamang.
Sa isang follow-up operation nahuli ang suspek sa San Luis, Pampanga kung saan nananahan ang nobyo nito. Natunton ang kanilang lokasyon dahil sa GPS feature ng isa sa mga nanakaw niyang tablet.
Sa operasyon naibawi ang 2 tablet, 4 na singsing na nagkakahalaga ng PHP 1.8M. Mayroong cellphone at PHP 250,000 itong nanakaw na hindi na nakuha pabalik ng mga pulis.
Ang suspek ay umamin na nagnakaw ng 2 tablet upang ibenta ngunit hindi nito inaamin na nagnakaw rin siya ng pera’t alahas. Haharap ito sa kaso ng qualified theft.

Leave a Reply

Your email address will not be published.