Naging Darna siya noong 2005 pero hindi na siya tumigil maging hero
Noong 2005, bumida si Angel Locsin bilang Darna sa Philippine Television, at hindi sigurado ang sambayanan kung binitawan nga ba niya ito o hindi.
Hanggang ngayon, patuloy lamang ang acts of philantrophy ni Angel at hindi niya lang pinapansin ang mga umaatake sa kanya dahil dito.
Ito ang mga ganap na masasabi talaga nating totoong Darna ng buhay natin si Angel:
- Nagtayo siya ng Community Pantry para sa birthday niya.
- Pinangunahan niya rin ang pagpapalawak ng programang Shop & Share, kung saan nakapag-gather sila ng PHP 6M na idinonate din sa gobyerno para COVID-19 funds.
- Nag-simula ng Charity Drives para sa mga biktima ng Typhoons Rolly at Ulysses.
- Nag-raise ng awareness sa pagdami ng gender-based violence victims.
- Noong tahasan siyang nag-speak out laban sa red-tagging.
- Noong na-call out niya ang katahimikan ng ibang artista sa ABS-CBN network shutdown.
- Nag-raise siya ng awareness sa shortage ng donated blood noong early quarantine.
- Aksidente siyang naging body positivity champion online.
- Inalagaan niya ang mga medical frontliners gamit ang #UniTentWeStandPH
- Ang buong online personality niyang walang takot at purong totoong pagkatao lamang.