Nagbigay ang DILG ng SCO kay Isko para sa taong 2018 gayong 2019 pa ito naluklok sa pwesto.

Nagpatutsada pabalik si Isko Moreno Domagoso sa Department of the Interior and Local Government (DILG) matapos itong magpadala ng show-cause order laban sa kanya, para umano sa failed mark nito bilang alkalde sa Anti-Drug Abuse Council (ADAC) noong 2018.

Mabuting tandaan na siya’y naging alkalde ng Manila noong 2019.

Sa isang pahayag ani ni Domagoso na, “Wow galing ha! Sunod sunod na! #AlamNaThis!” Pinapahiwatig na ito’y atake ulit sa kanyang pamumuno.

Ani ng show-cause order na nilagdaan ng DILG Undersecretary, “Based on our assessment and verification in the 2018 Anti-Drug Abuse Council (ADAC) performance audit, you have failed to comply with the policy and program mandated to your office.”

Mayroong 10 araw si Domagoso para tumugon sa circular na dated May 21, 2018, kung kailan siya na-appoint ng Pangulong maging undersecretary ng DSWD.

Sa ulat ng isang news site sa Twitter, nilagyan lang ito ni Domagoso ng Quote Tweet na, “Hehehehehehe.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *