Nag-viral sa Facebook ang post ng isang netizen na may rider na galing Binondo pa-Cavite at gamit lang ay bike!
Nag-viral sa facebook ang story ng Faceboo user na si Michael Jamandre matapos nito ibahagi ang delivery experience nito.
Ayon kay Michael, nagagalit pa siya kakahintay sa delivery niyang 3 hours nang delayed.
Sinabihan pa siya ng rider na maghintay lamang at dadating ito. At pag-adting nga, nawala ang inis, natawa at naawa si Michael dito.
Galing kasi Binondo pa ang item, at taga-Cavite ang hinatiran ng delivery. Rate na matatanggap nito para delivery ay PHP 250 lamang at ang gamit pa ay bike.
Bilang pagkahabag, klinaro ng user sa store kung ang naghatid ng item niya ay delivery mismo ng store. At sinabihan siya nito na ang mga riders nila ay mga tambay at binigyan lamang nila ng trabaho imbes na magbisyo lamang.
Binigyan niya ito ng PHP 500 para sa PHP 250 na final fee sa transaction at sinabing sa rider na lang ang sukli, na tinanggihan nito nung una, ngunit kalauna’y nagkasundo na susuklian nalang ng PHP 100 si Michael.
Saludo si Michael at ang mga nag-share sa kanyang post sa store na nagbigay tulong sa mga tambay upang magka-trabaho at source of income.
Lalo namang pinuri ni Michael ang rider na gumamit ng bike na hindi pang-racing kaya siguradong mahirap ang pagpapadyak na ginawa.