Nag-viral ang litrato ng isang babae na madalas bumisita sa gadget store sa Makati upang makigamit ng laptop pang-videocall sa pamilya

Viral ang larawan ng isang babaeng libreng pinapagamit ng laptop ng isang gadget store sa mall sa Makati City upang malaya nitong makausap ang pamilya.

Dahil ang pandemya ay nagtutulak sa mga taong mag-social distancing at hindi muna bumiyahe, ang dependence ng mga Pinoy sa gadgets at internet ay tumaas. Dahil dito, maraming mga kagaya ni ‘Nanay’ ang mga nahihirapang makakonekta sa mga mahal sa buhay.

Ani ng uploader na si Walter So, pinapagamit ng mga store personnel kay Nanay ang demo laptop. Sila rin ang nagturo dito paano gamitin ang gadget at paano makapag-konekta sa pamilya.

Pinuri ni So ang mga employees sa kanyang post, umano, “Good Job!”

Leave a Reply

Your email address will not be published.