Nag-public apology na ang mga vloggers na ginawan ng pekeng kuwento sila

Nag-public apology na ang mga vlogger na sila Buknoy Glamurr at Gabo Adeva para sa ginawa nilang pag-habi ng gawa-gawang kwento na nakasira sa pangalan ni Awra Briguela, Vice Ganda, at Ion Perez.
Sa live stream ni Gabo, gumawa ng mga below-the-belt hirit si Buknoy sa tatlong nabanggit na biktima. Nagpanggap ang huli bilang si Awra saka tumuloy sa pagsasabi ng ilang mapanira at hindi totoong kuwento na sinasangkot ito sa very happy couple na Vice at Ion.
Imbes na pigilan ang slander ng kaibigan, sinulsulan ni Gabo si Buknoy at nagbato pa ng mga katanungan upang maipalabas na katotohanan ang pinagsasabi nito.
Nag-viral online ang recording ng live na ito kung saan makikitang bitter na bitter si Buknoy laban kay Awra, na nagawa pa niyang idawit sila Vice rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.