Nag-abot ng tulong si Sen. Grace Poe para sa mga brgy. health workers, delivery riders, at jeepney drivers bilang pasasalamat.

Bilang pagkilala ng ‘Panday Bayanihan’ ni Senator Grace Poe at ng kapatid na si Brian Poe, binigyang pugay nila ang mga barangay health workers, delivery riders, at mga jeepney drivers na patuloy na nagtratrabaho sa harap ng palalang sitwasyon ng bansa patungkol sa pandemya.
Ang mga manggagawang ito’y hindi nakakatamasa ng sapat na kinikita at ayuda sa araw-araw upang masuportahan ang kanya-kanyang binubuhay na mga pamilya.
Tugon ni Poe dito, itinuon nila ang isang relief operation ng Panday Bayanihan upang makapaghatid ng tulong.
Ang mga naabutan ng angkop na ayuda ay nagpa-salamat sa magkapatid na Poe.
Bida ang mga riders ng Grab, Foodpanda, at Angkas sa mga riders na nakatanggap ng ayuda, at dumayo ang relief operations sa ilang mga komunidad upang magbahagi ng karagdagang tulong.

Leave a Reply

Your email address will not be published.