Nadikitan lang ng dikya ang 7-year-old, namatay dahil sa rami ng lason!

Patay ang 7-year-old na si Rian Lhey Benvinoto matapos madikitan ng isang box jellyfish habang nasa bakasyon sana sa isang resort sa Brgy. Sinuknipan, Del Gallego, Camarines Sur nitong Linggo.

Binigyan ito ng paunang lunas na suka sa hita niyang nadikitan ng dikya, ngunit sa rami na rin ng lason na napasok sa nervous system ng bata, hindi na tumalab ito at binawian siya ng buhay.

Hinagpis at pait ang naraamdaman ng ina ng bata na isang OFW lalo na’t hindi niya makikita sa huling pagkakataon si Rian Lhey dahil na rin sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa mga ulat, pumunta lang si Rian Lhey sa dagat para magpa-signal dahil mag-uusap sila ng ina.

Sa ngayon ipinasara ang resort at balak na papanagutin ang may-ari nito dahil sa kapabayaan matapos matagpuang may sira ang net pang-depensa sana sa swimming area.

Pinaaalalahanan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na sa mga buwan ng tag-init hanggang Setyembre’y dumadagsa ang mga dikya sa mababaw na bahagi ng karagatan upang magparami. Reminder din nila sa mga resort owners na tiyaking maayos ang mga nets na pumapalibot sa swimming area at maghanda ng first aid kontra sa epekto ng jellyfish sting.

Leave a Reply

Your email address will not be published.