Nabiktima matapos ng live selling nang mag-mine ng 10k mahigit ang isang viewer!

Isang ‘joyjoy’ buyer ang ipinahiya ng isang online seller sa pamamagitan ng Facebook Post.
Ipinost ni Pearl Yaun ang screenshots ng conversation nila ng manlolokong buyer na si Krisha Mae Cayetano matapos siyang mapagtripan nito.
Ani ni Yaun, sa isang Facebook Live niya na nagbebenta siya ng products, sumali raw si Cayetano sa mga viewers niya ng selling ng mag t-shirts at napakarami sa mga binebenta niya ay ni-mine ni Cayetano.
Pero ang inakala niyang PHP 10,000 na kita kay Cayetano ay hindi pala totoo dahil sinabihan lang siya nito sa conversation nila ng “It’s a Prank!”
“Tawang-tawa” umano si Cayetano sa itsura ni Yaun na nagpapakahirap mag-suot hubad ng mga binebenta nitong damit.
Ani naman ni Yaun sa post niya, “Nakakaiyak hind dahil sa pinagod moko at pinagmukha mo kong clown. Alam mo saang part ako naiyak?
Dahil isa ka sa taong kulang sa pagmamahal.”
Bilang pagtatapos, binigyan niya ng mensahe si Cayetano sa post niya dahil siya’y ni-block nito. Sabi niya para rito, “Hindi ang isang tulad mo ang magpapatigil sa pagla-live ko tandan mo yan! Keep safe BE, remember hindi natutulog ang Diyos.” At dinagdagan niya pa ito ng kiss mark emoji.

Leave a Reply

Your email address will not be published.