Nabigay ng ayuda ang opisina nila Grace Poe at Brian Poe sa mga residente

Dumating si Senator Grace Poe sa saklolo ng 120 pamilya ng Zamboanga City na nawalan ng bahay at ari-arian matapos salantain ng isang malaking sunog.

Kasali rito ang mga biktima ng Negros Occidental pagbabaha, kung saan apektado ang libo-libong residente.

Sa pamamagitan ng Panday Bayanihan na pinamumunuan ng anak ng Senadora na si Brian, nakapaghandog ng tulong ang Senadora.

Ang mga residenteng inabutan ng tulong ay nakatanggap ng food packs na may lamang bigas, instant noodles, instant coffee, at de-lata.

Ani ni Poe sa mga ito, “Sana po makatulong kahit paano ang aming munting naiabot. Ang mga tulong po na itk ay bukal sa aming puso dahil ang malasakit sa kapwa kung wagas sa puso ay walang hinihintay na kapalit.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.