Nabangga ng sasakyan ang lalaking nakamotorsiklo upang bumili sana ng ulam para sa pamilya.

Patay ang padre de pamilya ng mga Alejo, na kinilalang si Arnulfo, matapos mabangga ang sinasakyang motorsiklo nito ng isang Multi-Purpose Vehicle.

Nangyari ang banggaan pagkatapos bumili ni Arnulfo ng ulam sa labas, at habang pauwi ito ay nangyari ang pagsalpok ng malaking sasakyan.

Kuha sa CCTV ng barangay Pasong Tamo ang nangyari. Dinala naman sa ospital si Arnulfo pero kalauna’y namatay din.

Hawak na ng mga awtoridad ang driver na nakabangga ngunit wala pa itong pahayag na ibinibigay sa media.

Leave a Reply

Your email address will not be published.