Naantig ang puso ng mga viewers ng sikat na Youtuber na si Ivana Alawi matapos itong tumulong sa mga ni-prank niya sana.

Sa bagong YouTube video upload ng internet sensation na si Ivana Alawi, nag-bida ito ng ginawang ‘prank’ sa mga taong nasa kalsada
.
Para sa prank, nagpanggap si Ivana na siya’y nanlilimos sa mga biktima upang makauwi kunwari sa Baguio City. Kung sinuman ang magbigay ng tulong sa kanya, plinano na nitong tumbasan ng ‘x1000’ pabalik.

Sa pagpatuloy ng video, makikitang may ilang hindi nagbigay sa kanya, ngunit mas marami pa rin ang nagpakita ng pagmamalasakit at nagbahagi kay Ivana ng kakaunting tulong galing sa kakaunting halaga na mayroon sila.

Gulat ang ipinakita ng mga tumulong kay Ivana matapos nito ilabas ang totoong katauhan at binalikan na ang mga ibinigay sa kanya.

Mayroon pang iba na walang maibigay na pera sa kanya, kaya pinakain na lamang ito.
Ang pinakatumatak daw sa internet star ay ang 58-anyos na mayroong panindang puto kutsinta. Binigyan siya nito ng PHP 20 at pinakain pa habang nagkwekwentuhan sila. Nag-alok pa itong bigyan siya ng inumin para raw may pang-pares sa pagkain!

Napahagulgol sa iyak si Ivana sa kabutihang ipinakita ng Manong habang inaabot ang PHP 20,000 na tulong pabalik. Naluha rin ang tumulong sa kanya dahil hindi niya inasahang ang pagtulong niya sa isang gusgusing nanlilimos ay magbibigay sa kanya ng malaking halaga.

Ayon dito, ipambibili niya ng bisikletang may side car ang nahandog na halaga sa kanya ni Ivana.

Nangako naman ang aktres na ipapahanap niya itong muli, si Tatay Joselito Martinez, upang matulungan pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.