Naani ni Joyce ang unang milyon sa paglalive-selling nito!

Isang online seller ang kumita ng 1 milyon dahil lang sa kanyang live selling.

Si Joyce Sibayan ay 22-years-old at nagsimulang mag-benta ng mga kagamitan online. Aniya, hindi umano inaasahan ang 1 milyon at na naniwala lamang siya nang ibinalita ito sa kanya ng bangko.

Bago raw niya nakamit ang achievement na ito, ilang shops na raw niya ang nasarado. Pinagpursige lang niya ang sarili at nagpatuloy sa online selling niya.

Aniya, “Meron pong times na nag-breakdown po ako and nawala nga po ako sa sarili dahil sunod-sunod yung nangyayari din sa business ko.”

Pinatunayan ni Joyce na basta’t may pangarap at masipag ka sa pagpupursigi ay makakamit mo ang tagumpay.

Leave a Reply

Your email address will not be published.