Na call out na si Roque ni Locsin tungkol sa international law, pero hindi raw siya aawat!

Hindi nagpapatigil si presidential spokesperson Harry Roque sa pagbibigay ng kanyang uninformed statements tungkol sa ilang mga isyung nakasentro sa international law, kahit na siya’y pinapatigil na ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.

Umano’y nagkausap na ang dalawa ayon kay Roque matapos siyang i-call out ni Locsin sa Twitter na patungkol sa pahayag niyang ang Julian Felipe (Whitsun) Reef ay hindi raw napapaloob sa exclusive economic zone ng Pilipinas. Idinagdag pa niya na hindi raw ito pag-aari ng Pilipinas, at na wala talagang magagawa ang gobyerno sa militarization ng China sa karagatang sakop ng bansa.

Ani pa ni Roque na kung magpapahayag siya tungkol sa international law ay ‘he’s speaking for the President’. Regular daw ang konsultasyon nila kaya ang mga pahayag niya ay naaayon sa isipin ni Duterte.

Bilang tugon ni Locsin, ang magagawa lang daw ng Palasyo ukol sa isyu na ito ay, “What can we do? Let’s try this: drop the subject and leave it entirely to the DFA, under me, the only expert on the subject bar.: Iginiit niya pa na kilala na niya ang China mula pa 1967.
Ipinaalala nito na kahit ang military ay walang kinalaman sa international affairs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *