“My Mom didn’t skip the line, Vico didn’t skip the line, why would I?”

Si LA Mumar, half-brother ni Pasig City Mayor Vico Sotto ay inatake ng mga katanungan bakit hindi pa siya nababakunahan laban Covid-19 kung mayroon naman siyang koneksyon sa local chief executive.

Ibinahagi niya sa kanyang Instagram story na, “My Mom didn’t skip the line. Vico didn’t skip the line. Why would I?
Sabi, okay lang ‘yan kasi life and death daw? Shouldn’t we hold on to our values more when things are difficult? What will I tell my children? It’s okay to do something illegal because it’s convenient?”

Idinagdag pa nito na, “I’m not a Mayor like my bro, but we can do our part and choose what is right. One person, one family at a time. THERE IS HOPE FOR OUR COUNTRY.”

Ibinahagi rin ni Mumar ang story niya sa Twitter kung saan siya’y pinuri ng mga Filipino netizens sa kanyang aksyon.

Matatandaang binigyan assurance ni Sotto ang buong Pasig na hindi magbibigay ng special treatments pagdating sa Vaccination Program nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published.