Mula September na delivery, tuloy-tuloy na ito hanggang December!

Matatanggap umano ng Pilipinas ang natitirang binili nitong bakuna mula sa Sinovac at ang simula sa mga order nito mula sa Pfizer at Moderna ngayong paparating na September ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Pahayag pa nito, “I assume by September tapos na ng Sinovac in their deliveries and sasabay na rin ang deliveries ng Pfizer and Moderna, then it will ramp up from September all the way to December.”

Sa ngayon para ma-achieve population protection sa bansa ay binabalak nilang makapag-inoculate na ng 58M sa Metro Manila at 8 pang urban hubs.

Idinagdag pa niya, “The results are promising even our health experts are saying because of the wide vaccination in Metro Manila we’re seeing a rise in cases but our severe and critical are at the minimum.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.