“Mounting a safe pageant for all our stakeholders is our number one priority today.”

Inanunsiyo ng pageant organization na postponed ang grand coronation night ng Miss Universe Philippines 2021 na gaganapin sana ngayong Sabado, September 25, 2021, upang paiigtingin pa ang safety protocols ng pageant.

Ayon sa kanila, “Mounting a safe pageant for all our stakeholders is our number one priority today.”

Ibinalita rin ng organization ang bagong schedule of events ng pageant. Sa Sept. 23 nakatakda ang Miss Universe Philippines’ national costume competition, ang preliminary interviews naman sa Sept. 24, at ang evening gown competition sa Sept. 26.

Ani din nila, ang final date ng coronation ay iaanunsiyo pagkatapos maapprove at mabigyan ng go-signal mula sa Inter-Agency Task Force.

Leave a Reply

Your email address will not be published.