Moreno, magpapatayo ng mga imprastrakturang makapagbibigay ng malinis at renewable energy para sa bansa.

Ipinahayag ni Presidential aspirant at Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na itutulak niya ang kanyang plano na magpatayo ng mga imprastraktura para sa malinis at renewable energy. Kabilang na rito ang pagpapatayo ng mga solar, hydroelectric, at geothermal energy infrastructure sa buong bansa.

Inilatag niya ang kanyang hangarin na paunlarin at panatilihin ang ating kalikasan kapag tuluyan ng makaahon ang bansa sa pandemya. Ipinarating niya na magiging prioridad niya ang pagpapabuti ng kalagayan at pamumuhay ng mga tao sa Pilipinas.

Nabanggit rin ni Moreno na ang pagbabawas sa buwis sa mga crude oil at oil-dependent power ay magsisilbing pansamantalang solusyon lamang. Ang pangunahing pakay niya talaga ay ang makapagbigay ng permanenteng solusyon para sa kasalukyang problema ng mga tao sa enerhiya.

Maliban dito, layunin rin ni Moreno na simulan ang kanyang pag-aksyon sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga solar panels at rainwater collectors sa mga pampublikong paaralan sa Maynila. Nais niyang lutasin ang problema ng lungsod sa water level sa mga dam.

“If they are seeing these types of facilities, and it can be done since it’s not even rocket science, they will know how to care for the environment,” Domagoso told reporters after the board meeting.” Pahayag ni Moreno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *