Mga staff ng ospital, huli sa panloloko sa mga pasyente na maging Sara Duterte for Presidency supporter na rin!

Ginigisa ng Facebook netizen na si Reyner Delos Reyes Valencia ang mga staff ng isang ospital matapos ang panlolokong ginagawa ng mga ito sa mga pasyente.
Ang contact tracer logbook ng mga entrada ng building nila, isa palang signed petition para sa “Inday Sara Duterte ituloy ang pagbabago 2022!”
Ani niya, “Sa mga friends naming DDS na staff ng mga hospital, bakit naman ganito ang “contact tracer” logbook niyo! Tinakpan niyo pa yung itaas ng logbook para di mahalata na petisyon ito para tumakbo si Sara Duterte!”
Pinuna rin ni Valencia na imbes maasikaso kaagad ang mga hinaing ng pasyente, hinarangan pa nito ang agarang aksyon para lamang ma-fill up-an ang mga forms na puno lamang ng kasinungalingan. Na-invade pa ng labis ang privacy ng mga ito!
Nagpadala ng babala si Valencia na, “Sa mga papasok ng ospital, iangat nyo yung takip sa taas bago kayo mag-fill up. Baka naging DDS na kayo pero di nyo pa alam!”

Leave a Reply

Your email address will not be published.