Mga posibleng paglabag ng delivery app companies sa karapatan ng riders, dapat pagtuonan ng pansin!

Hinikayat ni Senator Risa Hontiveros ang Department of Labor and Employment (DOLE) na imbestigahan na ang mga ulat ng labor abuse na isinagawa umano ng sikat na delivery app FoodPanda sa mga food delivery riders nito.

Ani pa niya, “Bawat araw na sila ay nababalahaw ay katumbas ng isang araw na wala silang maiuuwing kita sa kanilang pamilya.”

Matatandaan na mayroong umiikot na balita na ang FoodPanda ay nagsuspinde ng 10 taon sa mga riders na nag-protesta sa wage policy nila, na sinasabing nagpababa sa kanilang kinikita sa PHP 20 na lamang kada byahe.

Ipinaliwanag ng FoodPanda na sinuspinde nila ang mga riders na ito dahil nilabag nila ang agreement kasama sa kumpanya na nagdulot ng malawakang disruption sa operasyon ng kumpanya.

Ipinaalala ni Hontiveros sa DOLE na tingnan ang working conditions ng mga riders hindi upang iwasan ang kaguluhan sa serbisyong dinadala ng kumpanya, kung hindi para siguruhing protektado ang karapatan ng mga delivery riders bilang workers.

Idinagdag pa niya, “Hindi man itinuturing sa ngayon na empleyado ang mga delivery riders, sila ay mga manggagawa na naghahanapbuhay at tumutulong hindi lang sa kanilang pamilya kundi sa ekonomiya.”

Malakas din niyang paalala na, “Failure to act on such grievances is negligence on the part of the government.

Hindi pwedeng nakatengga lang tayo habang alam nating may posibleng pang-aabuso na nangyayari sa ating workforce, sa gitna ng pandemya.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *