Mga Pinoy, pumila pa rin sa mga vaccination centers sa kabila ng pagbaha’t pag-ulan!

Sa kabila ng malakas na pag-ulan at ang pagbaha sa Pasay City, dumagsa pa rin ang mga residenteng gustong matanggap ang kanilang COVID-19 vaccine.

Iniuulat na karamihan sa mga ito ay sumulpot at gusto nang magpabakuna dahil paparating ang banta ng Delta variant na matatandaan nating mayroon nang deklarasyon ng local transmission.

Marami ngayong mga netizens ang nagbabahagi online ng kanilang pagdududa sa sinasabi ng gobyerno na vaccine hesitancy sa mga Filipino, dahil na rin sa mga ulat na nagkalat mula sa iba’t-ibang panig ng bansa na nagpapakita ng mahahabang pila para makapagpa-bakuna.

“Kailangan lahat ng tao magkaroon ng vaccine lalong-lalo na yung mga matanda at bata dahil sila ‘yung vulnerable sa virus,” ani ni Christine Medico.

Ganito rin ang sitwasyon sa Manila City, mahahabang pila ng mga gusto nang mabakunahan kaya sinuong na ang baha at masamang panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *