Mga pangangailangan ng magsasaka, pinagtutuunan ng pansin gamit ang AICS!

Sa pamamagitan ng FPJ Panday Bayanihan, nakapagdala ng pinansyal na tulong si Senator Grace Poe sa mga magsasaka ng San Pablo, Laguna gamit ang AICS o Assistance to Individuals in Crisis Situation.

Matatandaang malakas na ipinahayag ni Poe na ang Agrikultura at ang workforce sa likod nito’y susi sa pagreresolba ng pagkagutom at nakakapagsigurong mayroong food security sa mga komunidad.

Pinapahalagahan ni Poe ang sektor na ito at sa pamamagitan ng mga programa sa Panday Bayanihan ay nagsisikap silang makatugon sa mga pangangailangan ng mga myembro ng sektor.

Leave a Reply

Your email address will not be published.