Mga netizens, kapwa sarkastikong nagsabing natulungan nito ang mental health nila!
Sa kasagsagan ng patuloy na lumalalang sitwasyon ng Pilipinas laban sa pandemyang dulot ng COVID-19, patuloy pa ring ginagamit ng national government ang pondo ng masa para sa mga proyektong hindi naman necessary.
Gaya ng pinakahuling dose ng Dolomite sa rehabilitation project ng Manila Bay, na pinaglaanan ng PHP 389 Million in tax funds.
Naging sentro ng kritisismo ang proyekto, hindi nga naman ito oras para maging conscious dito dahil buhay ng mga tao ang nakataya sa pandemya. Pero ani naman ng Malacañang na epektibong paraan ito para magbigay ng ‘immeasurable benefit to Filipino’s mental health.’
Kaya ang pinakahuling Dolomite dose noong Abril 13 ay kinalokohan ng mga netizens sa Social Media na cinite ang news articles at kanya-kanyang nagsabi ng kanilang bersyon na maayos na ulit ang mental health nila, na malaking pasasalamat daw sa gobyerno dahil kahit ilang libo na ang namatay, mindful pa rin sila sa mental health ng mga Filipino.