Mga nabebenta niya sa online selling, pinambibiling pangangailangan ng ina!
Maaalalang kumalat online ang mga video ni Daisy Lopez, o mas kilala sa pangalang ‘Madam Inutz’ matapos itong tumawag ng ‘Inutil’ sa mga viewers ng online live selling niya ng mga paninda.
Marami ang naaaliw sa pagiging kwela niya sa mga video ngunit kumaharap din siya ng pagsubok matapos mareport ng ilang beses dahil mayroong hindi nagugustuhan ang bulgar na pananalita niya.
Sa isang video na nabahagi niya kailan lang, marami ang naantig dahil sa pagiging huwarang anak niya. Lumalabas na ang mga kinikita pala niya sa pagla-live selling ay pambili ng mga pangangailangan ng kanyang ina.
Kasabay ng pagbahagi niya ng video na ito ay ang panawagang huwag na I-report ang kanyang mga video.