Mga biktima ng Yolanda sa San Remigio, Cebu– magkakaroon na ng bagong tahanan!
Mayroong aabot sa 607 na housing units ang kailan lang ay ibinigay sa mga biktima ng Super Typhoon Yolanda sa Cebu.
Inanunsyo ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na ito’y bahagi ng proyekto ng administrasyong Duterte na bigyang tulong ang mga residente ng probinsya na naapektuhan ng nasabing bagyo.
Kasali si Nograles sa isinagawang virtual turnover ng mga housing units sa beneficiaries ng National Housing Authority (NHA) at Local Government Unit ng Brgy. Tambongon, San Remigio nitong ika-30 ng Hunyo.
Ipinagmamalaki nitong mayroon nang 5,521 housing units ang naibahagi sa Central Visayas sa dumaang 2 taon.
Bilang paalala, nagbitaw rin ng pahayag si Nograles tungkol sa efforts nila ng pa-housing at iba pang tulong sa mga biktima’t nahihirapan dahil sa dumaang Yolanda, aniya, “We are steadily realizing our advocacy of fighting hunger and poverty with focused programs in Yolanda-affected areas.
We need to help each other. [The] Government cannot and should not monopolize these development efforts, that’t why we have actively engaged the private sector in this massive campaign to eradicate hunger and poverty.”