Mensahe ng aktres para kay Neil, “Mahal na mahal kita, ikaw lang ang taong kaya kong makita araw-araw”

Isang napaka-cute na pagbati online ang iginawad ni Angel Locsin sa fiancé na si Neil Arce para sa birthday nito.
Sa Instagram account ni Angel nagpost siya ng Tiktok Video ni neil na may kalakip na napaka-sweet na birthday greeting.
Ani ng caption, “Bago mo ko i-murder for posting this, remind lang kita na mahal na mahal kita at ikaw lang ang taong kaya kong Makita araw-araw.
Happy Birthday, my Tiktoker love.”
Agad nag-reply si Neil ng, “Love… I love you too pero hindi ko pa b-day.”
Ni-replyan ito ni Angel ng, “Sira. Nasa sakin birth certificate mo.”
Kilig na kilig ang mga nakasaksi sa napaka-cute na exchange ng dalawa.
Naunang in-announce nila Angel at Neil ang kanilang engagement noong Hunyo ng 2019 at nakatakda na sanang magpakasal noong Nov. 8, 2020 na nakansela dulot ng pandemya.
Siniguro naman ng magkatipan na matutuloy ang kasal nila ngayong 2021.

Leave a Reply

Your email address will not be published.