Medical groups – “The bridge between the healthcare providers and PhilHealth now has serious cracks caused by the mistrust against us.”

Hinihikayat ni Senator Grace Poe ang PhilHealth at medical community na magkasundo at maayos na ang disagreements sa pagbayad ng una sa claims ng huli.

Pahayag ni Poe para sa PhilHealth ay, “PhilHealth must not resort to a sweeping mechanism that could further delay the settlement of legitimate obligations.”

Matatandaang naglabas ng pahayag ang ilang hospital groups na nagsasabing, “The bridge between the health care providers and PhilHealth now has serious cracks caused by a feeling of mistrust by PhilHealth against health care providers.

The bridge is bound to collapse, maybe it is time to review the engagement with PhilHealth and level the playing field.”

Patuloy pa naman daw magbibigay ng serbisyo sa PhilHealth-covered patients ang mga ito sa kabuuan ng nalalabing araw ng taon.

Ipinaalala naman ni Poe sa PhilHealth na, “The well-being of PhilHealth members is on the line if the standoff will not be resolved.”

Ang mga hindi binayaran ng PhilHealth ay umuubos sa resources ng mga ospital para lang magpatuloy ang kanilang medical operations.

Bilang pagtatapos, pahayag ni Poe na, “Alam na dapat ng PhilHealth ang trabaho nito. Hindi dapat maging rason ang katiwalian ng ilan sa pagdurusa ng mas nakakarami.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *