Mayroong PHP 13.1B cash assistance na ipapamahagi sa 10.7M Metro Manila residents!

Sa harap ng lumalalang sitwasyon ng bansa kontra sa pandemya, na dinagdagan pa ng banta ng Delta variant, isinailalim ang ilang high-risk areas ng bansa sa Enhanced Community Quarantine bilang unang panangga.

Kaakibat nito’y ipinaalala ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na kinikilala naman nila na mahihirapan talaga ang mga taong magkaroon ng hanapbuhay, kaya naghanda ang Malacañang ng aabot sa PHP 13.1 billion na cash assistance para ipamahagi sa 10.7 million residents ng Metro Manila.

Ang restriksyon umano sa eonomiya’t pag-iimplementa ng skeleton workforce ay nagpepermiso sa gobyernong macontrol ang epekto ng virus at makaiwas sa mas malalang mga pangyayari.

Sa ngayon, ipagpapatuloy ng gobyerno ang malawakang vaccination program at mas ipapagimplementa ito upang mas maraming Pinoy ang mabigyan ng bakuna.

Ani Nograles, “Gaya ng panalangin ng lahat, ‘yun din yung taimtim naming nais mangyari: Na sana huli na itong ECQ natin at magtuloy-tuloy na.”

Paalala niya pa, “Everybody has to do their part na kung pwedeng huwag lumabas ng bahay, huwag lumabas ng bahay.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *