Mayroon nang vaccine supply ng 10.3M doses ang bansa!
Isang milyong doses ng COVID-19 vaccine na binili ng gobyerno ng Pilipinas sa Sinovac Biotech ang dumating sa bansa nitong Thursday ng umaga.
Ang shipment ay dumating sa NAIA terminal 2 sa isang Cebu Pacific flight mula Beijing ng 7:16 A.M.
Ika-sampung batch na ito ng Sinovac vaccine, kasali ang 2 batch na donasyon ng China sa bansa. Ngayon, mayroon nang 10.3M doses ang vaccine supply ng Pilipinas.
Nang dumating sa airport ang mga bakuna, sinalubong ito ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. at testing czar Secretary Vince Dizon. Ito’y una lamang sa 2 vaccine shipments na scheduled na dumating ngayong araw.
Mamayang gabi, mayroong hihigit pa sa 2 milyong vaccine doses galing sa Pfizer ang dadating na padala ng COVAX Facility para sa Pilipinas.