Mayroon nang aabot 24,955 libreng housing ang naibahagi sa Region 8, at magpapatuloy ito hanggang 2022!

Nagdaos nitong nakaraan ng virtual turnover sa San Isidro, Leyte bilang pag-gunita sa 94 housing units na ibibigay ng libre sa mga benepisyaryo ng Yolanda Project ng Task Force for the Unified Implementation and Monitoring of Rehabilitation and Recovery Projects and Programs in Yolanda-affected Areas ni Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Sa ngayon umano ay mayroon nang naipatayo at naipamahaging 24,955 libreng housing units sa mga siyudad at munisipyo ng Region 8 mula pa 2019, at ito’y magpapatuloy hanggang matapos ang termino ni Duterte bilang Presidente.

Binigyang pugay niya rin ang quick implementation ng Yolanda Housing Program dahil na rin sa aktibong partisipasyon ng NHA at beneficiary LGUs.

Ani pa nito, “We fast-tracked the completion and turnover of the housing units because the President does not want our beneficiaries to wait any further.”

In line din sa kanyang advocacy, nagbigay assurance si Nograles na ang mga resettlement sites ay magkakaroon ng community gardens upang mayroong immediate food source ang mga residente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *