“May pangalan o wala basta gustong maglingkod, welcome sa Aksyon Demokratiko. Moreso, ‘yung ating mga kinikilalang mga lingkod bayan.”

Ibinahagi ni Francisco “Isko Moreno” Domagoso na bukas siya para sa unified oppositions para sa halalan sa paparating na 2022.

Ayon kay Moreno, tatanggapin niya ang kung sino mang nais sumali sa kanyang partida basta ito ay handing maglingkod ng maayos at matapas sa bayan. Pahayag pa niya, “May pangalan o wala basta gusto maglingkod, welcome sa Aksyon Demokratiko. Moreso, ‘yung ating mga kinikilalang mga lingkod bayan. Why close the door?.”

Si Moreno ay bukas rin na makipagtrabaho sa lahat at isantabi ang pagkakaiba para sa pagpapabuti ng bansa. Sa huli, sila ay may iisang hangarin lamang at ito ay ang mapaglingkuran ang mga Pilipino at mapaunlad ang bansa.

Dagdag pa niya, “This is about the people and you cannot govern, with these types of problems that we’re facing right now, on your own. So, I would rather continue to talk and try to be reasonable with those we know, with our fellow public servants. At the end of the day, taumbayan naman kausap natin.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.