May bagong stock na ang ilang community pantries ng Quezon City!
Kakarating lang sa Immaculate Heart of Mary Parish ng Quezon City noong Sabado ang isa na namang malakihang batch ng mga gulay na para sana’y maibahagi sa lahat ng community pantry sa syudad.
Ang mga ito ay mga donasyon galing Central Luzon na ipinadala para sa Maginhawa community pantry.
Maaalalang ang pantry na ito ang unang community pantry sa bansa, at itinayo ni Ana Patricia Non upang makapagbigay lang ng libreng pagkain sa mga nangangailangan at nahihirapan makakain ngayong pandemya.
Sa kasalukuyan, masasabing ang mga major cities ng bansa ay mayroon nang ilang pop-ups ng community pantries kasali na rin sa ilang mga probinsya’t munisipyo.