May bagong post si Janus del Prado para sa taong hindi naman niya pinangalanan, sa ex ba ni Bea?

Intriga news na naman! Nagpaparinig nga ba ang close friend ni Bea Alonzo na si Janus del Prado sa ex ng nauna?
Maaalalang ghinost umano ni Gerald Anderson si Bea at kasabay nito’y ang pagputok ng balita na may relasyon si Gerald at Julia Barreto.
Sa Instagram kasi ni Janus nag-share ito ng quote na nagsasabing, “A real man will apologize for his mistakes and accept his shortcomings to try to become a better version of himself.
A coward will lie, manipulate, redirect blame and play the victim role just to save face.”
Binigyan niya pa ito ng caption na, “#titoquotes”
Lahat ng nakakita ng post at mga komento ay naniniwalang patungkol nga ito kay Gerald. Hindi rin nakapagtataka dahil isa siya sa mga unang nagtatanggol sa aktres tuwing napapaloob ito sa mga kontrobersiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.